Laguna

          Ang Laguna ay nasa Rehiyon ng CALABARZON sa Luzon. Santa Cruz ang kabesera nito. Ang Laguna ay matatagpuan sa timog silangan ng Kalakhang Maynila, sa timog ng Rizal, kanluran ng Quezon , hilaga ng Batangas, at silangan ng Cavite. Ang Laguna ay napaliligiran ng Laguna de Bay, ang pinakamalaking lawa sa buong Filipinas. Ang pangalan ng lalawigan ay nanggaling sa salitang Espanyol na "Lago", Laguna nangangahulugang "lawa".

          Kilala ang Laguna sa mayaman nitong kasaysayan, istruktura, likas na yaman at kultura. Dahil dito nabiyayaan ang Laguna ng masaganang turismo at kalakalan. Ang mga larawan na sumusunod ay ilan sa mga produkto na ipinagmamalaki ng Laguna. Puto ng Binan, Lansones sa Paete, buko pie ng Calamba, mga barong tagalog na gawa sa pina (pineapple), espasol, rambutan, at mga tsinelas sa Liliw. Mayroon din silang mga lugar na binibisita ng mga turista katulad ng Aling Taleng's Halo - Halo sa Pagsanjan, Mer-nel's cake sa Los Banos at bahay ni Rizal sa Calamba.