Pila




Ang Pila ay isang lugar kung saan makikita ang mayamang kultura at istruktura noong panahon ng mga Kastila. Ang mga tahanan at mga simbahan ay nanatiling nakatayo at nasa mabuting pag-aalaga ng gobyerno. Tinatawag din ang bayan na ito bilang “sleepy town” at “blessed town” dahil nakaligtas ang mga lumang tirahan at simbahan sa mga pagbomba ng mga Hapon. Ang mga bahay na ito ay kinilala bilang Historical Site. 




Sinasabi mayaman din ang Pila sa kanilang makulay  pista ito ay ang Pailah Festival – Ang pangalang PAILAH ay galing sa dating pangalan ng Pila, Laguna. Ang salitang “PAILAH” ay nanggaling din sa salitang Palay (Rice). Ang palay ay isa sa mga pangunahing produkto ng Pila. Isda (Fish), ang bayan ng Pila ay malapit rin sa lawa. Lilok Antique (Antique Carvings), hindi lang ang isda at palay ang kanilang pangunahing produkto dahil isa rin sa nagpakilala ng Pila ay ang kanilang handicraft products at mga wood carvings. At ang huli ay ang halaman (ornamental plants), isa rin sa produkto nila ang mga halaman na dinadala sa mga kalapit na bayan. Ang PAILAH Festival ay ginaganap tuwing Abril kung kailan masagana ang nakukuhang ani.






                                     

4 (na) komento:

  1. Di malilimutan ang aking karanasan sa bayan ng Pila. Bakit kamo? Dahil sa pagbisita ko rito, parang bumalik ako sa panahon ng Espanyol dahil sa hilera ng mga lumang bahay na itinayo pa noong 1900 na matatagpuan dito. Mula sa mga bahay na ito, natutunan ko na ang bayang ito ay nabiyayaan dahil ang mga lumang bahay na ito ay nagawang makaligtas mula sa mga pambobomba noong panahon ng gyera. Sa Simbahan ng San Antonio de Padua, nakita ko akng gaano ka relihiyoso ang mga tao sa bayang ito. Pinanaatili nilang maayos at maganda ang simbahan sa kabila ng mga hamon na nakaharap ng bayan sa kasaysayan nito. At nakita ko ang munisipyo ng bayan. Ang gusaling ito ay isa sa mga naging saksi ng iba't ibang sitwasyon na pinagdaanan ng bayang ito. Nalaman ko rin na ipinagdiriwang ang isang pista sa bayang ito, ang pistang ito ay ang Pailah Festival na ginaganap tuwing Abril para magpasalamat sa magandang ani. Bagama't di ko naabutan ang pistang ito, masasabi ko na talagang napakayaman ng kultura ng Bayan ng Pila dito sa Laguna

    TumugonBurahin
  2. Masaya ang naging karanasan ko sa pagpunta sa Pila. Ito ay masasabing hindi makakalimutang karanasan na minsan lang mangyari sa aking buhay. Pagpasok palang sa bayan ng Pila, makikita mo kaagad ang kagandahan ng mga lumang bahay noong panahon ng Espanyol. Makikita mo talaga ang mga kakaibang tirahan dito nakatulad sa Vigan. Kung pupunta ka sa Laguna, unahin mo ang bayan ng Pila at tiyak na hindi mo pagsisisihan ang mga makikita mo. Marami ka mapupulot na kaalaman at dito mo makikita ang mayamang kultura at kasaysayan ng ating bansa sa mga nakalipas na maraming taon.

    TumugonBurahin
  3. tunay na bayan na pinagpala dahil sa angkin nitong ganda at kariktan... salamat bayan ng Pila...

    TumugonBurahin