Ang Bayan ng Liliw ay Ika-apat na klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Isa sa mga matataas na bayan ang Liliw na bumubuo sa katimugang bahagi ng lalawigan. Ayon sa senso noong 2008, may populasyon itong 32,727, kung saan ang may 6,545 kabahayan ay nasa poblasyon at sa iba ibang barangay. Tinatayang nasa 8,317 ng populasyon ay nakatira sa poblasyon o sentro ng bayan habang ang 24,410 ng populasyon ay nasa mga kalapit na barangay.
Sikat din ang bayan ng Liliw dahil sa mga malalamig na tubig bukal at sa magaganda nitong mga sapatos at tsinelas na kumakaribal sa Makati.
Ayon sa mga kuwento, nagmula sa isang ibon ang pangalan ng Liliw. Sinasabi na nagtayo noon ng kawayan si Gat Tayaw at ang kanyang mga taga-sunod para pangalanan ang bayan kapag may ibong tumuntong sa ibabaw ng kawayan sa loob ng apat na araw. Ngunit isang uwak ang unang tumuntong sa kawayan. Pinaniniwalan noon nila Gat Tayaw na ang uwak ay masama kaya nagtayo muli sila ng kawayan. Isang magandang ibon ang tumuntong sa kawayan at umawit, "Liw, Liw. Liw". Doon nagmula ang pangalan ng Liliw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento