Ang Bayan ng Nagcarlan ay isang ika-2 na klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 48,727 katao sa 10,708 na kabahayan.
Sa bayang ito kinuhaan ang pelikula at ang seryeng pantelebisyong Kampanerang Kuba.
Ang Nagcarlan Underground Cemetery sa Laguna ay isa sa mga uri ng sementeryo na makikita sa Pilipinas dahil ito ay makikita sa baba ng simbahan. Ang sementeryo na ito ay puno ng kasaysayan. Ito ay ginawa at binuo noong 1845 para sa isang misa na isinagawa ni Franciscan priest Fr. Vicenter Velloc. Siya rin ang direktor sa pagsasagawa ng underground graveyard na may taas na 15 na talampakas sa baba ng simbahan.
Ang Nagcarlan Underground Cemetery ay isa rin sa National Historical Landmark sa Laguna dahil ito ay ginamit ng mga Katipunero para sa tago na lugar. Dito nagtatago ang mga Katipunero para magplano at magtago noong Filipino - American War. Dito rin nagtago ang mga guillero na nakikipaglaban sa mga hapon noong World War 2.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento